Philippine School Bahrain, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Bahrain
Bahrain. 30 August 2024
Bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nakibahagi ang mga guro at mag-aaral ng Philippine School Bahrain sa programa sa Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Kaharian ng Bahrain noong ika-30 ng Agosto 2024. Kaugnay pa rin ng selebrasyon na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”, ang programa ay nagsilbing daan upang maipamalas sa iba’t ibang larangan ang paggamit ng wika.
Sa timpalak sa paghahanay ng paksa, nagwagi sa Senior Category ng una at ikalawang puwesto ang mga gurong sina G. Marvin C. Dallego at G. Gabriel Angelo C. Alunday. Sa mga mag-aaral naman, nakamit nina Marie Aliyah E. Ante, Samantha Airelle P. Sta. Isabel, at Mikaella Denyse S. Valencia ang una, ikalawa at ikatlong puwesto sa Junior Category ng nasabing patimpalak.
Si Gng. Melinda L. Nomananap, Tagapamahala ng Asignaturang Filipino, ay naglahad ng isang masining na pagkukuwento ng “Puso ng Isang OFW”. Nagpamalas naman ng tanghal-tula na pinamagatang “Lipad, Wika, Lipad!” si Reign Yra M. Fernandez. Samantala, naghandog ang PSB Chorale, sa pamamahala ni G. Glenn D. Raz, Tagapamahala ng Ugnayang Pangmag-aaral, ng isang katutubong awit na pinamagatang “Ay, Ay, Ay, O, Pag-ibig!”.
Isa sa pinakatampok na bahagi ng palatuntunan ay ang Tagisan ng Talino na nilahukan ng dalawang pangkat ng mga mag-aaral mula sa ikalima hanggang ikawalong baitang. Nagwagi ang pangkat na binubuo nina Jian Matthew L. Murillo, Francheska Louise S. Lampero, Axl John C. Artillaga, at Myles Pauline B. La Pastora bilang kampeon, habang nasa unang gantimpala naman ang pangkat nina Roshan Yvonne Dionson, Eduard Matteus L. Tangug, Byul G. Kim, at Aybil Eileen F. Paraiso.
Sa pangwakas na bahagi, tumanggap ang mga nagwagi at lahat ng mga kalahok sa iba’t ibang patimpalak ng medalya at sertipiko ng pagkilala. Ginawaran din ng sertipiko ng pasasalamat ang Philippine School Bahrain para sa pakikiisa nito sa programa ng pasuguan. Ang nasabing sertipiko ay tinanggap ni Bb. Gydabelle B. Naval, ang Punongguro ng Paaralan.
Matagumpay na naisakatuparan ang paggunita sa Buwan ng Wika sa pamamagitan ng mga gawaing kaugnay ng pagdiriwang. Bakas sa mga mukha ng mga nagsidalong mga panauhin, kabilang na ang mga magulang ng mga mag-aaral na bahagi ng programa, ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Hindi lamang naging kalugud-lugod, ngunit higit na makabuluhan ang programa, lalo pa’t ipinamalas ang paggamit sa sariling wika ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.
DFA Delegation Visits Philippine School Bahrain, Strengthening Ties with Overseas Filipino Community
By: Brienne Nicole G. Arante
A delegation from the Department of Foreign Affairs (DFA) visited the Philippine School Bahrain (PSB) on August 18, 2024, engaging with the local Filipino Community and underscoring the importance of maintaining strong ties with overseas Filipinos.
The delegation, led by Mr. Lemuel C. Lopez, Acting Director of the Office of Migration Affairs (OMA), included Mr. Raymundo C. Ondiano, Assistance-to-Nationals Officer of the Office of the Undersecretary for Migrant Affairs (OUMA); Mr. Carlo Jejomar Pascual P. Sanchez, Principal Assistant of the Office of the Middle East and African Affairs (OMEAA); Ms. Maricar D. Tuazon, Assistance-to-Nationals Officer of OUMA; and Ms. Evelyn S. Xavier Jr., Assistance-to-Nationals Officer of OUMA.
The DFA delegation was joined by HE Ambassador Anne Jalando-on Louis, Consul Bryan Jess T. Baguio, and Ms. Lucia C. Ramierz. The PSB Board of Directors, led by Chairman Reuel C. Castro, together with the school administrators, teachers, staff, and students warmly welcomed them.
The delegation was given a tour of the school grounds, where they had the opportunity to meet with students and faculty, gaining insights on the educational experiences of Filipino youth in Bahrain. The visit highlighted the DFA’s ongoing commitment to supporting Filipinos abroad and ensuring their welfare, as well as strengthening the cultural and educational ties between the Philippines and the Filipino community in Bahrain.